h1

Bakit ang aso mahilig umihi sa gulong ng kotse?

November 16, 2008

Nagtataka ako, Bakit ang aso mahilig umihi sa gulong ng kotse? Nagiisip ako kung bakit. dahil karaniwan sa mga asong galang nakikita ko ay umiihi sa gulong ng kotse o.o Ung kotse namin pag nakapark sa labas ng bahay minsan. may mga aso na trip na trip talaga nilang jumingle sa gulong ng kotse namin. bakit kaya? Minsan nung pumunta kami sa Laguna gamit ang aming sasakyan at nagpark kami sa tapat ng bahay ng mga tita at tito ko. Bigla nalang may isang asong gala na lumapit sa kotse namin. Akala ko ay kung anong gagawin. Ayun pala ay jijingle lang pala sa gulong! Ayun! Nasolb din ang loko matapos jumingle ay umalis agad. Bakit kaya ganun? Ayos sa isand 2nd Year Nursing Student na aking kinonsulta ay ito daw ay dahil sa Pheromone kung anong ibig sabihin ng Pheromone ay iklik niyo yung word! >.> di ko din alam kung ano yan nung una pero google is the best talaga! Ang sabi pa niya ay dahil din sa amoy ng gulong at kaya nila iniihian ay para kunwari ay teritoryo nila. Ewan ko di ko siya maintindihan pero maniniwala nalang ako sa lokong ito. Ewan ko kung pinagloloko lang ako neto pero mukhang kapanipaniwala naman e! Kayo? Ano sa tingin niyo? bakit mahilig dyumingel ang aso sa gulong ng kotse?

Leave a Comment