h1

143

December 11, 2008

T 143(Love or Hate)

143? Ano ba ang 143? Madalas kong marinig iyang numerong iyan. Eto ba yung sum ng 100 at 43? O ang ibig sabihin nito ay “I Love you” pwede din namang “I hate you” diba?

I = 1 Letter
Love / Hate =4 Letters
You= 3 Letters

Ano nga ba ito? Nalilito na ako ditto sa mga numerong ito. Kaya ayoko ng math e. pag sinabihan ka ng crush mo ng “143” diba parang masgusto mong marinig ay “I Love you” kesa sa simpleng numerong “143” kasi hindi mo alam baka baliktad ang ibig niyang sabihin imbis na “I love you” e “I hate you” pala ang ibig sabihin niya. Kawawa ka tuloy. Kinilig ka ng hindi mo alam ang tunay na sinabi ng crush mo.

143? Sino bang Lin*** ang nag pauso niyan(Censored Woops!) Bakit ba pinauso pa iyan. Hindi ba parang weird na gawing “I Love you” ang simpleng numerong iyan na “143” Hay nako. Siguro ang taong nagpauso neto ay walang magawa sa buhay tulad ko. Gumawa ako ng isang walang kwentang sanaysay dahil wala akong magawa.

Siguro yung iba diyan hindi alam ang ibig sabihin ng 143 ngayon alam mo na? Dalawa ang ibig sabihin noon kaya gamitin mo ang numerong 143 ng mahusay. Isipin mong mabuti ang gagawin mo bago mo bigkasin ang numerong “143” baka pag bigkas mo ng “143” habang nagrerecite ka ng tanong na “100 + 43” na tanong ng iyong guro ay magalit ang iyong guro at ipaprefect ka. Dahil akala ay sinabi mong “I hate you” ang babaw ano? Pagpasensyahan niyo na wala akong magawa eh. Hanggang sa muli!

Leave a Comment