h1

Hithit! Buga! Dura!

December 11, 2008

Hithit! Buga ! Dura!

Naiinis talaga ako sa mga taong naninigarilyo. Alam ko wala akong magagawa dahil bisyo nila iyon pero pati ba naman sa pampublikong sasakyan eh naninigarilyo sila. Aba abuso na iyon a! bawal iyon diba? Diba diba diba? Umoo ka kung hindi aabangan kita sa Gate-5.

Going back..(Sir Campos) Woo Special Mention!

May nakasabay ako nuon mga estudyante. Sa jeep mismo mga estudyanteng naninigarilyo. Inis na inis ako sa kanila bukod sa paninigarilyo nila ay ang ingay pa nila. Ang gulo gulo nila siguro mga lima ata silang nasa jeep. Katabi ko yung isang estudyante na kabilang sa grupo. At ang mas nakakairita pa sa kanila ay lahat sila ay mga kababaihan! Tila ba’y hindi man sila nahihiya sa mga pinaggagawa nila hithit sila ng hithit sabay buga ng usok na nalalanghap ko na muntik ko nang ikamatay(joke!) Inisip ko nuon kung asan ang mga magulang ng mga ineng na ito. Ano ang pagkukulang ng mga magulang nila o kugn sino ang nangimpluwensya sa kanila? Naaawa nalang ako sakanila dahil sa mga pinaggagawa nila sa sarili nila.

Lalo naman akong naiinis sa mga taong dura ng dura sa kalsada o kahit saan nilang matripan. Hindi na sila naawa sa kalsada dinuduraan lang nila. Hindi nalang sila maghanap ng tissue o kahit anong gamit na magagamit upang maiwasan ang pagdura sa kalsada at pagdami ng bacteria. Grabe talaga. Araw-araw parang wala akong araw na hindi nakakita ng taong dumudura. Halos siguro lahat ng tao ay dumudura sa kalsada o kahit saan. Iniisip ko sana meron akong lakas ng loob na pagsabihan sila. Kaso wala e. wala akong ganong klaseng lakas ng loob. Pasensya na.

Sana maiwasan nating dumura at manigarilyo. Dahil bukod sa nakakasama sa iyong kalusugan ang paninigarilyo ay mas nakakasama pa ito sa mga nakakalanghap ng usok mo. Di ka na naawa. Makunsensya ka sana. Sa mga Estudyante diyang Naninigarilyo at Dumudura kung saan-saan. Sana naman ay itigil niyo na yang bisyo niyo o habbit kuno. Itigil niyo na yang nakasanayang pagdudura kung saan matripan. Dahil nakakasama ito sa kalusugan ng ibang mga tao. Ika nga sa commercial “Wag kang durara” Sa mga nagplaplanong manigarilyo at dumura. Masasabi ko sa inyo ay wag niyo ng balakin. Masama ito sa kalusugan niyo at masnakakasama sa kalusugan ng iba.

Itigil ang Pagdura, Itigil ang paninigarilyo at mabuhay ng mapayapa. Para naman sa mga mababait na Estudyanteng hindi dumudura at hindi naninigarilyo.. Mabuhay po kayo! Ipagpatuloy niyo lang ang pagiging mabuti niyo sa inyong kalusugan at kalusugan ng iba. Salamat dahil kahit oonti nalang kayo ay nakakatulong parin kayo sa pagbawas ng polusyon. Muli ito nanaman ay isang sanaysay ng isang estudyanteng walang magawa sa buhay.

One comment

  1. pie



Leave a Comment