Archive for the ‘Essay’ Category

h1

Teenage LuvLuv

December 14, 2008

Teenage LuvLuv ( Love♥Love)

Nakaranas ka nab ang ma-in love? Naranasan mo nab a ang mga kilig moments pag kasama mo ang crush mo? Naranasan mo ba bang mapagalitan ng iyong magulang dahil sa love na yan? Naranasan mo na bang magmahal ng taong hindi ka kayang mahalin?
Ako, Oo naranasan ko na yan. Siguro maraming beses na rin akong nabigo. Maraming beses na saktan. Maraming beses na na reject. Pero ano nga ba ang Love para sa mga Teenager? Ako bilang isang Teenager ay nalaman ko na ang pagmamahal pala ay hindi madali. Maraming komplikasyon ika nga. Pero may iba namang tingin sa love ay parang drugs na nakakaadik. Meron din namang parang past-time lang. pinaglalaruan lang. pero Meron din namang seryoso sa Love ayun nga lang yung partner niya ang di seryoso.
Marahil marami sa ating mga Teenager ang naranasan nang ma-in love. Marahil marami na ring mga Teenager na may Boyfriend at Girlfriend na. Pero ang tanong mabuti ba ito para sakanila o masama? Para sa akin. Depende. Bakit? Depende yan sa inyo kung ang masama o mabuti ang idudulot ng pagmamahalan ninyo. Bakit ulet? Meron kasing mga Teenager na nakakakuha ng Inspiration mula sa Love na nagbibigay lakas sa kanila at tatag. Nagagawa nilang perpekto ang kanilang mga ginagawa. Nagaaral silang mabuti sa eskwelahan upang ma-impress sa kanila ang minamahal nila. Pero hindi lahat ay ganun. Karamihan sa teenager ay naloloko. Naloloko sa bulag na pagmamahalan. Sila yung mga taong walang pakielam kung may nagagawa na silang masama at walang pakielam kung may nasasaktang iba dahil sa kanilang pagibig na bulag.
Meron akong kilalang babae na nabulag sa pagmamahalan. Ginawa niya ang lahat ng gusto ng boyfriend niya. Pero ang boyfriend naman niya ay abusado. Naawa ako sa babaeng iyon. Tila ba pinaglalaruan siya ng kaniyang boyfriend. Bumagsak siya sa maraming subject, Hindi pumapasok sa eskwela, Sumusuway sa kaniyang magulang. Pero tuloy pa rin ang pagmahal niya sa Boyfriend niya.
Meron naman akong lalakeng kilala na na-inspired sa kaniyang crush o sa kaniyang nililigawan. At ang resulta, nag aral siyang mabuti nagpursigi sa pagaaral. Pumasok araw-araw ng walang late ni isa. At lahat ng iyan ay ginawa niya para sa kaniyang minamahal. Ayan ang mabuting nadudulot ng Love sa mga Teenager. Gagawin ang lahat ng kabutihan para ma-impress ang iyong minamhal. Sana lahat ng Teenager ay ganito. Sana..
Ikaw, Naranasan mo na bang ma-in love?

h1

Hithit! Buga! Dura!

December 11, 2008

Hithit! Buga ! Dura!

Naiinis talaga ako sa mga taong naninigarilyo. Alam ko wala akong magagawa dahil bisyo nila iyon pero pati ba naman sa pampublikong sasakyan eh naninigarilyo sila. Aba abuso na iyon a! bawal iyon diba? Diba diba diba? Umoo ka kung hindi aabangan kita sa Gate-5.

Going back..(Sir Campos) Woo Special Mention!

May nakasabay ako nuon mga estudyante. Sa jeep mismo mga estudyanteng naninigarilyo. Inis na inis ako sa kanila bukod sa paninigarilyo nila ay ang ingay pa nila. Ang gulo gulo nila siguro mga lima ata silang nasa jeep. Katabi ko yung isang estudyante na kabilang sa grupo. At ang mas nakakairita pa sa kanila ay lahat sila ay mga kababaihan! Tila ba’y hindi man sila nahihiya sa mga pinaggagawa nila hithit sila ng hithit sabay buga ng usok na nalalanghap ko na muntik ko nang ikamatay(joke!) Inisip ko nuon kung asan ang mga magulang ng mga ineng na ito. Ano ang pagkukulang ng mga magulang nila o kugn sino ang nangimpluwensya sa kanila? Naaawa nalang ako sakanila dahil sa mga pinaggagawa nila sa sarili nila.

Lalo naman akong naiinis sa mga taong dura ng dura sa kalsada o kahit saan nilang matripan. Hindi na sila naawa sa kalsada dinuduraan lang nila. Hindi nalang sila maghanap ng tissue o kahit anong gamit na magagamit upang maiwasan ang pagdura sa kalsada at pagdami ng bacteria. Grabe talaga. Araw-araw parang wala akong araw na hindi nakakita ng taong dumudura. Halos siguro lahat ng tao ay dumudura sa kalsada o kahit saan. Iniisip ko sana meron akong lakas ng loob na pagsabihan sila. Kaso wala e. wala akong ganong klaseng lakas ng loob. Pasensya na.

Sana maiwasan nating dumura at manigarilyo. Dahil bukod sa nakakasama sa iyong kalusugan ang paninigarilyo ay mas nakakasama pa ito sa mga nakakalanghap ng usok mo. Di ka na naawa. Makunsensya ka sana. Sa mga Estudyante diyang Naninigarilyo at Dumudura kung saan-saan. Sana naman ay itigil niyo na yang bisyo niyo o habbit kuno. Itigil niyo na yang nakasanayang pagdudura kung saan matripan. Dahil nakakasama ito sa kalusugan ng ibang mga tao. Ika nga sa commercial “Wag kang durara” Sa mga nagplaplanong manigarilyo at dumura. Masasabi ko sa inyo ay wag niyo ng balakin. Masama ito sa kalusugan niyo at masnakakasama sa kalusugan ng iba.

Itigil ang Pagdura, Itigil ang paninigarilyo at mabuhay ng mapayapa. Para naman sa mga mababait na Estudyanteng hindi dumudura at hindi naninigarilyo.. Mabuhay po kayo! Ipagpatuloy niyo lang ang pagiging mabuti niyo sa inyong kalusugan at kalusugan ng iba. Salamat dahil kahit oonti nalang kayo ay nakakatulong parin kayo sa pagbawas ng polusyon. Muli ito nanaman ay isang sanaysay ng isang estudyanteng walang magawa sa buhay.

h1

143

December 11, 2008

T 143(Love or Hate)

143? Ano ba ang 143? Madalas kong marinig iyang numerong iyan. Eto ba yung sum ng 100 at 43? O ang ibig sabihin nito ay “I Love you” pwede din namang “I hate you” diba?

I = 1 Letter
Love / Hate =4 Letters
You= 3 Letters

Ano nga ba ito? Nalilito na ako ditto sa mga numerong ito. Kaya ayoko ng math e. pag sinabihan ka ng crush mo ng “143” diba parang masgusto mong marinig ay “I Love you” kesa sa simpleng numerong “143” kasi hindi mo alam baka baliktad ang ibig niyang sabihin imbis na “I love you” e “I hate you” pala ang ibig sabihin niya. Kawawa ka tuloy. Kinilig ka ng hindi mo alam ang tunay na sinabi ng crush mo.

143? Sino bang Lin*** ang nag pauso niyan(Censored Woops!) Bakit ba pinauso pa iyan. Hindi ba parang weird na gawing “I Love you” ang simpleng numerong iyan na “143” Hay nako. Siguro ang taong nagpauso neto ay walang magawa sa buhay tulad ko. Gumawa ako ng isang walang kwentang sanaysay dahil wala akong magawa.

Siguro yung iba diyan hindi alam ang ibig sabihin ng 143 ngayon alam mo na? Dalawa ang ibig sabihin noon kaya gamitin mo ang numerong 143 ng mahusay. Isipin mong mabuti ang gagawin mo bago mo bigkasin ang numerong “143” baka pag bigkas mo ng “143” habang nagrerecite ka ng tanong na “100 + 43” na tanong ng iyong guro ay magalit ang iyong guro at ipaprefect ka. Dahil akala ay sinabi mong “I hate you” ang babaw ano? Pagpasensyahan niyo na wala akong magawa eh. Hanggang sa muli!